Wednesday, December 31, 2008

Bagong Taon, Bagong BONGGANG buhay na nga ba?

Pagsapit ng Alas Dose, kaninang madaling araw. Tumalon ako ng paulit-ulit. OO, gusto kong tumangkad. Nagpailaw rin ako ng sparklers at sa aking isipan, pinaulit-ulit ang mga katagang: "Sana makapasa ako sa UPCAT." Ngayong taon kasi ako mag-UUPCAT. Pero, hanggang ngayon, di ko alam kung ano ang course na kukunin ko. "Kahit wala akong love life at hindi ako pumayat, basta pumasa ako ng UPCAT, solve na." Haha. I'm on the crack.
Para akong nalugi kanina, sa gitna ng pagsalubong sa Bagong Taon--HARUJUSKO! ANSAKIT NG TSAN KO!!!! Ano ba naman, try eating roast beef, beef stroganoff, hamonado, gelatin and lumpiang shanghai in just one sitting. BEST OF LUCK sa stomach at liver mo. [Kaya di ako pumapayat] Malapit pa man din ang prom season--SHIT. Aattend ba ako or hindi?! Ugh.

So much for the drama, HAVE A FREAKIN' HAPPY NEW YEAR, Guys! :p

No comments:

Post a Comment